Water Soluble Calcium

Gawa ang natural na patabang WSC mula sa balat ng itlog, balat ng alimango, talaba, kabibe, at iba pa. Tinutunaw ang mga ito sa natural na suka. Ang WSC ay mayaman sa calcium na kailangan ng
halaman para sa magandang pamumulaklak at pamumunga. Ang kakulangan sa calcium ay maaaring magdulot ng pagbibiyak ng bunga, blossom end rot, at madaling pagkapitas o paglaglag ng mga bunga.